Pakiramdam ko ang mature ko na dahil nasa WordPress na ako. Wala akong basehan nito. Para sa akin lang talaga, medyo mature ang mga manunulat sa WordPress. CHOS!
Nakaisip na ako ng dahilan kung bakit nananatiling frustration ang pagsikat ko sa internet.
Simula nang matuto akong kumalikot ng computer at maglaboy sa internet; nang pagdaanan ko ang sinasabi ni Erik Erikson na Identity VS Role Confusion; yang sikat na sikat na teen angst; at nang mamulat ako sa mundo ng blogging; isa lang ang naging pangarap ko, ang maging internet superstar.
Pangarap ko talaga maging sikat na blogger. Ewan ko sayo, pero lumaki ata talaga akong kulang sa pansin. Mahal ko ang spotlight. Uhaw ako sa attention. Kaya ko pakasalan ang fame. At exage lang ako sa mga piangsasasabi kong yan.
Kanina pinamukha sa akin ng sarili ko na walang saysay ang cyberhouse ko kaya naman hindi ito dinadagsa nang mambabasa.
Sinilip ko ang ilan sa mga kilala at sikat na blog, o atleast sikat sa mundo ko, karamihan (o rather lahat sila), may katuturan ang existence sa cyberspace. Kung hindi food blog, travel blog. Makakatulong nga naman ito sa mga taong nasa alta ciudad na walang magawa sa buhay at pera nila kundi waldasin.
E ako, sa loob ng walang taon, puro sa buhay kong walang saysay ang laman ng bawat pahina ng blog ko. Hindi naman ako galing sa isang tanyag na pamilya para ususyuhin ng tao ang buhay ko. Hindi rin naman inspirational ang mga pinagsasabi ko na ikatutuwa ng marami. At lalong hindi ako magaling magpatawa, tulad ng mga paborito kong blog.
Sabi ko iisip ako ng paraan para masolusyunan ito. At ang solusyon ko... wala. Wala akong gagawin. Itutuloy ko lang ang pagkwento sa buhay kong para sa akin ay makulay. Naniniwala parin ako, isang araw, sisikat ako, at magiging hit-maker ang lahat ng naging blog ko. ;)
(Ang totoong dahilan kaya wala nalang akong gagawin, sinubukan ko kasing gumawa sa wordpress dahil inggitera ako, kaso may nagmamay-ari na ng username na gusto ko. Pakiramdam ko nga akin yun, kaso nalimutan ko na ang password o email address).
Dahil na-up ang usapang blog sa Fb group ng Helios Int, napasilip ako dito.
Napabilib nanaman ako kung paano ko bola bolahin ang aking sarili sa bawat posts ko. Hindi ko alam bakit ang taas ng tingin ko sa sarili ko. Haha! Pero biro lang to, syempre.
Ikaw na mukhang magpapakamatay na sa boredom at napadaan sa blog na to, i-postpone mo muna ng bahagya yang suicide intentions mo nang mabigyan kita ng onting update sa walang saysay kong buhay.
Sa mga buwan na lumipas na muntik ng maging pataba itong blog ko sa cyberlupa dahil sa malalim na pagkakabaon sa limot, yun ang mga panahong (inakala kong) may saysay ang existence ko sa totoong buhay. Yung mga dahilan bakit hindi ako nanatili dito, ayun at naglaho na, inabanduna na ako.
Ang dami ko pang satsat, gusto ko lang sabihing heartbroken ako at ilang buwan narin ang nakakalipas. Yun lang naman ang highlight ng 2011 ko.
At wala na nga rin pala ako sa Pinas (na alam naman ata ng lahat).
Never doubt bakes! Yan lagi ang sinasabi sakin ng mga kaibigan ko.
Tanging hiling ko lang naman sa buhay ay lahat ng kaibigan ko nagbebakes. Hindi naman kailangan lagi lagi silang nag-ssmokes, hindi naman kailangan meron silang sariling stash. Hindi naman kailangang heavy user sila. Hindi naman kailangang matuto silang magset-up at magroll. Hindi naman kailangang maging expertise nila ang tungkol dito.
Sa totoo lang, kung pwede ko lang pag bake-in lahat ng tao sa buong mundo, gagawin ko talaga. Gusto ko silang i-tour sa bagong mundong masasaksihan nila. Gusto kong maging susi sa pagbukas ng mga munting pinto sa utak nilang hindi nila inaakalang nageexist. Gusto ko silang ipakilala sa mga bagong pananaw sa mundo na hindi nila aklaing maiintindihan nila.
Sa ngayon, ang mga tao masyadong conventional ng mag-isip. Gusto ko baguhin yun. Masyado ng matulin ang takbo ng panahon na imbis na tayo ang nagko-control ng bilis, tayo ang tinatangay papuntang pagkatanda. Gusto kong baguhin yan. Gusto kong bagalan ang bawat lakbay na ginagagawa ng mga tao, dahil kung kailan ka mabagal tsaka mo mas maaappreciate ang bawat maliliit na detalye sa daang tinatahak mo. Tsaka mo maaappreciate ang ganda nito, ang ganda ng mundo. Tsaka mo MAS mas maiintidihan ang ganda at ang sarap mamuhay. Masarap mabuhay!
Lahat kasi ng tao nagmamadali na ngayon, dapat na silang i-tali pababa at ituro kung paano talaga tamang i-execute ang salitang “chill”. Wag tayo masydaong magmadali sa mga bagay bagay, sino bang inuunahan natin? Sino bang kaagaw natin? Sino ba ang kalaban natin? WALA. Wag nating gawing kontrabida ang sarili natin, dahil sa buhay na to, tayo ang bida.
Kailangan ko ng bago sa buhay ko. Nagsimula na uli ang sem, mag-aaral nanaman ang mga pinsan ko. Ang mga kabarkada ko naman mahirap hagilapin. Ang mga photographer buddies ko naman weekends lang pwede, kung kailan ako ang hindi pwede. Kailangan ko na rin talagang magtrabaho. Inaagiw na rin utak ko. Kahit mababa sweldo ng isang nurse, papatusin ko na, kesa nalulungkot lang ako sa bahay.
Setting muna. Andito ako ngayon sa restaurant ng asawa ng pinsan ko. Magubat. Malamig. Masaya. Maganda. Kung mahilig ka sa nature trip at tagong lugar, magugustuhan mo dito.
Octoberfest. Wala ako idea talaga dyan, alam ko puro beer at nag-uumapaw na beer ang nagaganap tuwing Oktubre. Kaya naman nagresearch ako. Pero hindi ko na iseshare yung nalaman ko kasi alam kong alam niyo na yun.
Umu-Oktoberfest ako mag-isa, busy na kasi sila nagaasikaso ng guest. A pitcher of beer, sausage, roaster porkchop = boom! Hahaha! Wala talaga ako maisip e. Bored lang ako kaya naisipan kong magblog.:))
...and I ended up blogging
Tinoyo si Aia nung 5:37 PM
Bukas na ang pinakahihintay na araw, bukas at sa makalawa. Grabe! Pagkatapos talaga ng exam na yan, hooo, magtatatalon na ko. Bukas ng mga approximately 4pm, nabunutan na ko ng mga 75% part ng tinik, sa Sunday yung natitirang 25%. Hoooo!
Imbes na ipagpatuloy ko ang (petiks) na pagbabasa ng mga reviewers ko, at mga things to remember, ito ako nagsusulat dito. Paano kasi inggetera ako. Nagbabasa ako ng blog ng pinsan ko kanina, tawa ako ng tawa. Kahit tuloy wala naman akong masabi, gusto kong magpost.
HAHAHHAAHHAHAHAHAHAHA! Natatawa pa rin ako sa kwento ng pinsan ko. Click here kung chismoso ka at gusto mo malaman yung kwento.
Okay enough, mamaya ito lang ng ito maalala ko bukas. At baka tumawa ako ng wala sa oras habang nagtetake ng exam.
Wala talaga akong masabi, magpopost nalang ako ng isang litrato na napakasweet. :">
Photo taken by Mr. Ivan Arcilla Edited by Yours truly
P.S. Antagal kong pinag-isipan kung pipindutin ko ba yung PUBLISH POST, dahil itong pagpost ng litratong to, either makasira sakin, o makapagpaangat ng buhay ko. O wag mo na alamin kung bakit.
Nagbago na isip ko, gusto ko pala ng kasal na malaki at magara. Alam kong ayoko magpakasal EVER, AS IN EVER, pero kung ikakasal man ako, gusto ko ganito kaganda!
Nung napanood ko yung SATC1, naisip ko na hindi naman ganun kaimportante ang bonggang kasal, na ang importante ay yung ikaw at kabiyak mo. At sa uulitin, hindi ko naman talaga gustong ikasal, dahil sa totoo lang mas nakikita ko ang sarili kong nakikipag live-in lang. HAHA! Ewan ko kung bakit. Sa totoo alam ko, ayoko lang magexpound ngayon.
Pero hindi, gusto ko pala talaga ng magarang kasal, magarang damit, magarang asawa, magarang pagkain, magarang honeymoon, magarang reception, magarang magcocover ng wedding ko, magarang lahat. AT hindi ako magpapakasal, hanggat hindi ganito kaganda ang kasal ko.
(Sana hindi ko kainin tong sinabi ko. Pero ayos lang, sanay naman akong lumamon ng mga salita)
Home for the weekend installment 3
Tinoyo si Aia nung 5:28 PM
Wala talaga akong maisip sabihin ngayon, pero magpopost parin ako para hindi masabihan na isa akong irespubsableng blog owner kahit na wala naman talagang magsasabi sakin niyan dahil... [insert dahilan here].
Huling linggo na next week ng in-house review namin. Sa lumipas na tatlong linggo, wala paring pinagbago mga nakukuha kong grade sa mga test drills. Lagi paring ligwak. Kahit anong pilit kong ipagsiksikan ang inaral ko sa loob ng apat na taon sa makipot kong kokote, hindi talaga siya magkasya. Hanggang dun lang ata talaga ang kakayanan ng brain cells ko.
Ang pinanghahawakan ko nalang talaga ng pag-asang makakapasa ako ay ang eskwelahan namin. Meron daw magic ang [insert nursing school here] namin kaya hindi bumababa ng 97% ang passing rate namin sa board exam. At syempre si my ever loving papa God. Alam kong ipapasa niya ko.:)
Wala na akong masabi. Sana next week may maisip akong katutuwanang masabi. Wala nanaman saysay tong pinagsasasabi ko.
I'm not yet 21 and I'm already hazy
Tinoyo si Aia nung 6:28 PM
Walang kinalaman yung title. Home for the weekend installment 2. Hanggang 4 installments yan. Hahaha!
Isang linggo nanaman ang nakalipas at puro bagsak parin ang grades ko sa in-house review. Minsan nakakawala ng loob, pero madalas nakakatawa nalang kasi onti lang naman talaga ang pumapasa, paminsan wala pa. Actually madalas. Basta, walang saysay tong sinasabi ko.
21. Next year pa ako mag 21. Nalaman ko lang nitong nakaraang araw na hindi mo pa pala makukuha ang license mo kapag hindi ka pa 21 years old (sa nursing, ewan ko sa course mo). Nakakatuwa dahil may valid reason ako para magpaka-bum. (At oo, I'm claiming that I will pass the July 2010 NLE)
Mas lalo akong natuwa dahil alam kong message ito mula kay Papa God. Naaalala ko nung mga bandang Abril, ume-emo ako patungkol sa kung anong gagawin ko sa buhay ko. Parang ayoko maging nurse habang buhay. Parang gusto ko nalang mag photographer. Yung isa kong kaibigan na isang tanyag at magaling na photographer (buti hindi niya mababasa to dahil lalaki ulo nun) binigyan ako ng mga company na pwede kong apply-an, kailangan ko lang ayusin ang portfolio ko. Pero nagbitaw din naman siya ng ilang salita na napa-isip din ako.
'Kapag yan ang naging trabaho mo, mawawalan ka ng hobby. Baka magsawa ka!' Hindi eksaktong ganyan ang pagkasabi niya. Basta!
Nasabi ko na parang ayoko naman maging photographer habang buhay. At hindi rin naman ako ganun ka-artistic, pinipilit ko lang.
Nasabi ko pa na ayos lang sakin na bumagsak ako ng July 2010 NLE para may rason ako para maglitratista, o kaya magpaka-bum. At gusto ko kasing magbigay oras sa mga walang kakwenta kwenta at walang saysay na mga hobby bago ako pumasok sa totoong buhay.
Pero ayun nga, kapag bente-uno ko pa makukuha ang license ko (again, I'm already claiming to God that I will pass the July 2010 NLE). Meron pa akong halos isang taon para mag buhay baboy. Binigyan ako ni God ng oras, sinasabi niya ring ayaw niya akong bumagsak ng board exam ko. Nakakatuwa. Nakakabless.:)
P.S Lingid man sa iyong kaisipan, isa akong kristyano at matindi ang paniniwala ko sa Diyos. Bagamat hindi halata sa paraan ko ng pananamit o pagsasalita, totoong isa ako sa milyong milyong tao na tumanggap na ang Diyos ang aking tiga pag salba.:)

Ako si Aia. Labing walongDalawampu't Dalawampu't isang taong gulang. Nakatira sa [insert exact adress here] Antipolo Citee-y. (Parang Little Miss Philippines lang). Isang akong OFW sa bansang Singapura.
Ailah Gesta de Claro Solis ang aking buong pangalan. Maraming nagtatanong (two or more than two is many. tse!) kung saan nagmula ang ngalang yan. Una sa lahat wala akong lahing Hindunisyan o Bombay-an. Onting Espanyol maari ayon sa aking madur and padur.
Ailah - medyo malabo kung saan ito nang galing. Sabi ni mommy gustong gusto nya daw si Aiza Seguerra nung nagbubuntis siya. Sa awa ng Diyos di ko siya naging kamukha. Pinalitan nya daw ng L and Z para... kyut? Ewan, para maiba. Walang saysay! Ayoko rin naman ng pangalan kong to!
Gesta - (pronounced as Jesta) Ito maganda ang etiology. Hirap kasing magbuntis ang nanay ko, sarado kasi ang fallopian tube nya. Kung anu ano pang eklavu cheverlei ang pinagdaanan niya bago ako mabuo. Nang mabuo na nga ako, muntik naman akong bawiin agad ni Lord. Pero dahil mahal Niya ko ng super duper, hinayaan nyang makaimbento ang human specie ng gamot na pangpakapit. In short, galing sa gamot na pangpakapit ang pangalan kong ito. Nalimutan nalang ni inay ang buong pangalan ng gamot na ito, basta inalis nya yung suffix nung tunay na pangalan ng gamot.
At dahil ayun nga, hirap si inay bumuo ng baby, nag-iisa lang ako. Unica hija. Only daughter. Their precious. Strikto sila? Hindi naman masyado? Sakot lang kahit na minsan hindi ko mawari ang mga kadahilanan nila kapag pinagagalitan nila ako kapag ginagabi ako kahit na: a) kilala naman nila ang aking mga kasama; b) may maghahatid sa akin pauwi; at c) malapit lang ako sa amin. Pero kahit ganun, swabe parin.
Ako ay level III nursing student sa graduate ng UERMMMCI. Alam ko bigla kang napa 'saan yun?'. Dun yun sa may Sta. Mesa, malapit sa SM Centerpoint. Kung di mo parin alam, wag mo ng alamin dahil wala rin namang saysay.
Whoops ang haba na pala nito.
Pero sige, tuloy lang.
Ako ay isang kristyano. Jesus Christ died for me, now I'm living my life for Him. Kahit boyfriend ko si God, I'm willing to share Him to everyone.:) Honor God. Make discples.
Hilig kong pumitik. Isang photography hobbyist / enthusiast. Maari kang tumingin ng kuha ko dito, dito, dito, at dito. Ikaw ang manghusga.:p
Ayoko ng shutter shades. Hindi ko alam sang lupalop ng intergalactic space nahugot ng gumawa nyan ang ideya nya para sa itsura nyan. Dyusmiyo!!! Walang saysay!
Galit ako sa sa idea ng suicide at sa kung sino man ang unang gumawa nyan. Hindi maganda. Hindi nakakatuwa. Hindi ka-naais-nais. Nakakabugnot. Nakakainis! TSK.
Magulo ako. Madaldal. Makulit. Tahimik. Mapaglihim. Ewan pero magulo ang utak ko. Mabilis magbago.
Gusto ko pa dagdagan to. Kung umabot ka dito, hunting-in mo ko, may free kiss ka! Hahaha!